Moving forward since 03.03.10
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Matagal-tagal din mula nung huli akong nagpost. Nitong mga nakaraang araw kasi e talagang napagod ako. Paano ba naman pinagsabay-sabay ang OJT, thesis at Flame? Minsan naiisip ko kung nagagamit lang yung multiplying technique ni Naruto (Kangkengbungshin ba yun? Haha) pero narealize kong inatake din ako ng matinding katamaran sa pag-update nito. Sabi nga nila, if there’s a will, there’s a way. Balik sa pagtatala ng OJT stuff. Dahil naipon na ang ipo-post ko, i-iisang bagsakan ko na lang ang linggong to (bago ko pa makalimutang tuluyan ang mga pangyayari) at gaya ng Harry Potter at Twilight Hunger Games, gagawan din ng Part 2 ang huling yugto ng aking OJT (Bigtime kunwari).
DAY TWENTY-SEVEN (May 13, Monday)
Ito ang first time na nasa labas ako ng bahay ng eleksyon. Kung dati-rati’y tatambay-tambay lang ako na nag-aabang sa bilangan (Pramis, ginagawa ko na to kahit noon pa man), hindi ko aakalaing tatambay pa rin ako ngayong nagco-cover na ako.
Kung maaalala niyo, naatasan akong mag-interview ng isang PWD (Person with Disability) election volunteer para sa election special ng aming section. Ito na nga, e di maaga akong lumakad (mga 7 a.m.) papunta sa Ramon Magsasaysay High School (RMHS) sa Maynila para maghanap ng nasabing volunteer. Dito kasi naka-assign ang co-trainee ko (bilang PPCRV student volunteer). Ang sistema, hahanapan niya ako dahil may access naman siya kaso paano ba naman makahahanap kung wala talaga. Hindi naman nagkulang ang kasama ko. Ang totoo niyan, malaki ang pasasalamat ko sa kanya (Hi Wrenz!) dahil tinulungan niya talaga ako. Noong wala na talaga sa venue, agad-agad naman niyang binigay yung contact ng PPCRV (Mga 12 nn na ito) na medyo matagal mag-reply na naintindihan ko naman. Naghintay din ako ng tatlong oras hanggang sa sinabi ng contact na ihahanap pa lang niya ako sa gabi. Ayos lang naman, iske-schedule ko na lang ung panayam kinabukasan. Umuwi na ko. Nga-nga! Hahaha. On the bright side, noong sinabi ko naman ito sa nag-assign sa akin e hindi naman siya na-disappoint. Naramdaman ko namang naintindihan niya ako kahit na sa text message lang.
Tinext ko uli yung contact ng mga 9 ng gabi para ma-confirm kung meron nga, wala daw talaga. Doble nga-nga! Ipinaalam ko na rin sa mentor ko na wala na talagang ipu-pusue. Nilabas ko na lang yung mga hinanakit ko kinabukasan noong nag-videoke kami ng mga kaibigan ko.
Ilang araw matapos ang eleksyon, sinabi na lang sa akin ng nag-assign sa akin na may nakuha daw ang Inquirer na PWD volunteer at sa malayong probinsya pa daw (Wala na akong magagawa dun haha)
DAY TWENTY-EIGHT (May 16, Thursday)
Bukod sa talagang Students and Campuses (SCU) meeting na tuwing alas-singko ng hapon, kinailangan pa naming mga intern na magkita ng mas maaga para sa aming “Back-to-School” article. Pinag-usapan na namin ang hatian ng responsibilidad para masabi na sa aming mentor. Nakatoka kami ni OJT-buddy Dada (Hi!) sa pagla-layout na gagawin sa 21st (Tuesday).
Katulad ng nakaraan kung saan akala ko hindi na-publish yung U.P. article ko, kinakabahan ako habang noong nasa mala-Antartica na kwarto na kami. Hindi ko na alam kung ano pa mangyayari sa akin. Buti na lang at wala namang masamang nangyari sa akin haha. Binigyan na lang ako ng cover ng Microsoft sa Makati ng Sabado (May 18). Nabigyang-linaw na rin kung kailan talaga yung tapos ko. Ang sabi sa akin, ung coverage na lang sa Sabado plus isang “60 Minutes” (ita-transcribe ko lang naman yung interview ng isang sikat na personalidad na ife-feature sa Sunday edition ng section) at isang closing (na gagawin ko naman kapag magla-layout sa Martes) na lang at ok na ko.
Woohoo! Bakasyon, here I come!
DAY TWENTY-NINE (May 18. Saturday)
Tinanghali naman ako ng gising para sa coverage ng araw na ito (dahil mga alas-tres na ata ako natulog). Mga 10 a.m. na ako nakabangon para sa isang event na gaganapin ng 12 n.n., maliligo pa ko (medyo matagal pa naman to haha). Ayun, traffic pa sa South Super Highway at tinatawagan na ako ng PR. Nakarating ako ng mga 12:20 sa pagaakalang late na late na ako. Yun pala, ala-una pa ang start. Win!
Tulad ng ibang sosyal na coverage, may press kit na may maraming freebies at free lunch (from Kenny Rogers pa) at free merienda. This is the life! Hahaha.
Blessed ako sa aking coverage dahil bukod sa mga nabanggit sa itaas, mabait at accomodating din yung PR. Siya na yung kumausap sa malalaking tao sa event para ma-interview ko (Thank you Sir!). Bukod pa dito, nakapagkwentuhan pa kami tungkol sa aming mga buhay-buhay. Marami akong natutunan na sa sobrang dami e hahaba lang ang post na ito kaya akin na lang yun. Hahaha.
Hindi ko na tinapos yung event tutal nakuha ko na lahat ng kailangan ko. Nilibot ko muna ang Glorietta para makahanap ng ipapasalubong kay Inay (na hindi ko nabigyan ng regalo noong Mothers’ Day).
Maaga man nakauwi, desidido akong hindi gawin ang article ng gabing ito. Kailangan ko ng pahinga.
Part 2 coming tomorrow SOON na lang. Pero sana ma-post siya by tomorrow. Abangan!
Hi. Pasensya na at late ang aking reply sa iyong tanong. Naitanong na ito sa akin kailan lang pero nagpapasalamat ako na may mga kagaya mong curious :)
Here we go.
Gaya ng dati kong sagot, subjective kasi ang hirap. May mga bagay na maaaring mahirap para sa akin na mani lang pala sa iyo. Kung ako ang tatanungin, nahirapan ako lalo na noong umpisa (sa totoo niyan, tuwing nag-uumpisa ang sem e nangangapa talaga ako). Sa umpisa kasi, palaging nandoon yung feeling na para bang wala kang natututunan pero natural lang naman yan, nagsi-sink in din ang lahat. Makakapag-adjust ka din.
Ngayon, para madali kang maka-adjust, dapat na gusto at mahal mo ang ginagawa mo. Incoming college freshman ka ba or graduating high school student? In any case, dapat desidido ka sa kursong pinili o pipiliin mo. Katulad ng sinabi ko sa kapatid kong graduating sa high school, pumili ka ng kursong nakikita mong magiging masaya ka pag nasa workplace ka na.
Hindi naman nagtatapos ang hirap pag nakapag-adjust ka na. At siguro yan na rin ang isa sa mga “thrill” ng buhay, may mga bagay na patuloy na susubok ng iyong kakayahan para lalo kang ma-improve. May mga projects na bibigay sa iyo na mapapaisip ka kung kakayanin mo. Darating ang OJT kung saan makwe-kwestyon mo talaga ang mga natutunan mo sa classroom.
Ang payo ko naman sa panahon ng pagdududa ay wag susuko. Natural lang yan. Bata pa tayo at may mga bagay na matututunan mo lang kapag naranasan mo na.
Kung Journalism man ang pinili o pipiliin mo, good luck! Malagpasan mo sana ang bawat deadline na darating sa iyo :)
Nightvision
Monday: Taiyo Yamamoto
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ok, madaling-araw na. Actually, ilang oras na lang at sisikat na muli ang araw pero hindi ko na ipagpapabukas ang post na ito dahil kakapal na naman ang backlog ng posts ko. At kung isasama ko yung pang-Lunes na entry dito para sa Monday/Tuesday posting, magiging disjointed na masyado ang mga isusulat ko (Tingin ko lang naman). Isang pag-amin: Photoblog sana ang gagawin ko para sa entry ko noong May 10 kaso hindi naman nakuhanan ng inyong lingkod ng litrato ang mga ilalagay sana sa post. Sayang, nakakatawa pa man din sana. Hindi ko na ilalagay na hindi muna i-italicize ang English words sa post dahil nagmamadali ako (Pero nilagay ko na rin, patunay na walang tunay na matino sa mga oras na ito).
DAY TWENTY-FIVE (May 10, Friday)
Matapos ang ilang araw ng pahinga (na-cancel ang meeting kinagabihan), back-to-work ako noong Biyernes para mag-canvass ng mga school supplies sa Divisoria at Recto kasama ang mga co-interns sa Students and Campuses (SCU) section ng Bulletin. Sa halos tatlong linggong pagsasama sa section, ngayon pa lang masusubukan ang aming chemistry. BIG WORD! Hahaha. Ang totoo naman kasi niyan, once-a-week lang kami magkita at iilang oras lang pero tulad ng sa police beat, karamihan naman sa mga kasama ko ay magkakaklase. Wala namang problema sa akin yung ganoong set-up dahil bukod sa lumalaki ang network ng aking mga kaibigan, madami rin akong natututunan.
Naging sistematiko ang halos buong araw naming pagiikot ang Divisoria. Bukod sa madaming nakabungad na stall na nagbebenta ng mga school supplies, sagana din ang mga nagbebenta ng mga bag at uniporme. Sa labas pa lang yan. Pumasok pa kami sa loob ng 168 Mall at ayun, madami din. Mabuti na lang hindi pa masyadong madami ang mga namimili kaya di masyadong hassle.
Maayos naman naming nagawa yung sa Divisoria kaso kinailangan pa naming pumunta sa Recto para mag-canvass ng mga libro naman. Dito na ako nagsimulang tumamlay. Bukod kasi sa mainit yung biyahe namin papuntang Recto, ang traffic pa. Nakaidlip nga ako ng dalawang beses pero imbes na magising ang diwa, lalo akong inantok. Medyo zombie lang ang dating ko nung first 30-minutes pagkababa ng jeep.
Malaki naman ang hirap namin nung nasa Recto na kami dahil bukod sa pagod na pagod na kami, nakakalula rin ang mga librong kukunan namin ng mga presyo. May brand-new, may second-hand. May mga lima mahigit na asignatura, ang bawat asignature may pitong klase ng mga libro. Kailangan pang tignan kung para sa anong “grade” ang mga libro. Noong ginagawa na namin to e medyo wala na ko sa wisyo kaya nakisabay na lang ako sa agos.
Mga 5 na kami nagsiuwi matapos mapagkasunduan ang arrangements para sa pag-canvass sa SM North kinabukasan. Naging ok naman ang biyahe ko pauwi kaso biglang bumuhos ang ulan noong nasa SM Bicutan na ako (Isang tricycle na lang, bahay na) tapos wala akong payong. Kinailangan kong sumugod sa ulan na pananggalang lang e ung shoulder bag ko. Laking gulat ko naman na shoe-deep na yung tubig sa kalye namin (na di karaniwang binabaha). Ok, konting push na lang kaya sinugod ko na. Ang resulta: SUPER WET LOOK.
Pagkatapos maglakad sa araw nung hapon, nagbabad naman sa ulan kinagabihan. Mabuti at hindi pa ako nagkasakit nito.
DAY TWENTY-SIX (May 11, Saturday)
Dahil sa 18 na ang submission ng storya namain dito, kinailangan na namin matapos agad ang legwork para masimulan na ang article. Kung kumpleto kaming anim kahapon, tatlo lang kaming lumakad sa SM North kahapon.
Nakalatag na ang game plan. Unahin ang National tapos punta sa Expressions tapos sa SM Department Store. Nakakatuwa naman na kahit tatlo lang kami ay natapos naman namin ung dapat naming gawin. Ang problema ko lang talaga e parang magsisikalas na ang tuhod at binti ko sa pag-ikot sa SM.
Nakaalis kami ng mga 4 pero past-6 na ako nakauwi dahil SOBRA ang traffic. Di ko mawari kung bakit (Sabado hello? O baka dahil sa Eleksyon to?), Needless to say, pagod talaga ako at natutulog na dapat ako…
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Again, too late. Patunay na unti-unti na akong nawawalan ng mood gumawa nito, mabuti na lang malapit na matapos ang OJT ko. So here we go…
Most days of the year are unremarkable. They begin and they end with no lasting memories made in between. Most days have no impact on the course of a life. May 7th was a Tuesday.
Dahil hindi ko masimulan ng maayos to, kinailangan kong maghanap ng (500) Days of Summer reference para dito (Napanood ko for the nth time two days ago hahaha)
Seryoso, eto na. Pina-cover sa akin ang press briefing ng MakaMed College, school affiliate ng MakatiMed Hospital na naganap ng 10 a.m. Kinailangan kong pumunta sa lobby ng ospital ng mas maaga para makasabay sa shuttle (Chuchal! Haha) dahil baka maligaw ako, mahirap na.
Bukod sa shuttle, lalo kong napatunayan na sosyal (pero medyo low-profile) ang event ng pumasok ako sa building at bigyan ang mga miyembro ng press ng kits na may maraming freebies. May pica-pica sa tables (at iba-ibang klase pa) at may buffet table pa sa gilid. Matapos ang ilang linggo na medyo nganga sa pagkain at creature comforts (Police beat hi! I still miss you though :”>), nandito na ko! Ito nga siguro ung maganda sa nangyayari sa OJT ko, nakakaranas ako ng iba’t-ibang facets (BIG WORD!) ng pagiging peryodista.
Madami naman akong natutunan sa briefing na pinangunahan ng bagong tanghal na pangulo ng kolehiyo. Hindi naman kasi gaanong kilala ung school nila kahit na halos 40 years na silang nago-operate (low-profile nga). Natapos ang event ng 1 p.m. Natapos ko yung storya ng 9 p.m. (Too late, I know)
Ok, abang-abang na lang kung mapu-publish.
P.S. Surprise! Surprise! Na-publish pala ung iniyakan (halos) kong U.P. Commencement article. Yun nga lang, todo-katay. Hindi ko alam mararamdaman ko. Hahaha.
“Oh well, published pa rin naman.” “Hindi eh, medyo malaki ung tinanggal sa storya e.” “Ok lang yan, retained naman lahat ng sinabi ko.” <—— O ayan, naglalaban na sila sa utak ko.
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. ANG LALIM NA NG BACKLOG GUYS (Feeling may readers na iba)! May nagbabasa ba ng mga kalokohan kong to bukod sa sarili ko? Hahaha. Plano ko sanang ihiwalay ung mga nangyari noong May 2 dahil turn-around point yun ng pago-OJT ko pero wala nang time. Dapat sana “Silver Linings” ang title ng post pero ang dami nang nangyari. Wag kayong mag-alala, generally positive ang post na ito.
DAY TWENTY-ONE (May 2, Thursday)
Ang bigat lang ng feeling ko noong gumising ako ng araw na ito. Yung tipong bigat na ayaw na bumangon. Natatakot kasi ako sa magaganap kinahapunan sa weekly meeting ng Students and Campuses (SCU) section. Di ako na-publish noong isang araw, paano na kaya ako? Yuyurakan na ba ako? Mawawalan na ba ako ng dignidad? Lahat yan tumatakbo sa utak ko. #MedyoMadrama
Ang clumsy ko ng araw na ito. Hahaba ng sobra-sobra kung ikwe-kwento ko pa lahat. In a word, Sabog ako hanggang 5 p.m. Sa sobrang sabog, nakagawa pa ako ng tula tungkol sa lalaking mag-isang binabagtas ang pader ng Intramuros sa paglubog ng araw (Tinext ko pa sa kaibigan ko pero na-delete ko na hahaha). Dala-dala ko ang pagkasabog hanggang sa opisinang mala-North Pole sa lamig. Ayun, nanginginig habang hinihintay ang mga panlalait na handa ko nang tanggapin (Potek, di ko nadala ung panlamig ko. How foolish of me?)
Handang-handa na ako sa dreaded moment nang dumating ang aming editor (around 5:30 na ito) pero iba sa inasahan ko ang nangyari. Sinabi niya sa akin na maayos naman ang storya ko at maihahabol na sana niya ung storya kung di lang masyadong late. Positive! Akala ko sasabihan na akong mag-writing workshop muna e hahaha. Bilang ok naman ang simula, tinanong ko na rin kung paano macre-credit yung oras ko. Sinabi ko kasi na 150 hours na lang ako at nakaka-118 na ako. Sinabi naman ni Ma’am na dalawang output na lang (Assigned to. Yung isa, tungkol sa PWD Election Volunteer, yung isa collaboration ng interns sa “Back-to-School” story ng section) at good to go na ako. Positive uli! Nabuhayan ako. Gumana uli ung mga reflexes ko. Nakangiti na uli ako at nakahinga ng maluwag. Vacation, here I come.
Dahil sa panibagong energy, medyo pa-bibo naman ako. Nang sabihin ng editor yung storya tungkol kay Kevin Villanueva, active na active naman ako sa pag-share ng kwento niya kaya pinapasama ako sa interview hapon kinabukasan (Dagdag obligasyon pero ok lang). Positive pa rin!
Ayun, napaka-refreshing ng araw na ito. Excited na ako matapos ang OJT! Weehee!
DAY TWENTY-TWO (May 3, Friday)
Sa paguudyok ng kaklase (Hi Jeff!) ng maging Election Volunteer (Apat na araw lang naman) para sa Inquirer (Salawahan lang? A Secret Affair ba? Hahaha), sumama ako kahit alam kong hindi ko magagampanan ang trabaho. Wala lang. Trip ko lang din pumunta sa Inquirer at umikot sa Makati (Pasyal-pasyal din pag may time).
Maaga ang call-time namin at kasama rin namin si Jude (Hi!). Dahil medyo expert ako sa Makati, ako yung mala-GPS nilang guide. Yun nga lang palpak din. Hahaha. Nagtaxi din kami papunta at hindi pa pala alam ni Manong Driver kung saan. Ok. Hula-hula na lang kung saan ang opisina nila. Thrill!
Maayos naman ang nangyari sa amin. Pinafill-up out kami ng forms (Medyo natagalan ako haha) at kinausap sa arrangements. Nanghihingi ng assurance ung HR na makakasama kami at doon ako medyo kinabahan. “Ayoko na. I did not sign-up for this,” ang dialog ko sa sarili. Medyo mapangahas man ang inyong lingkod, medyo mahina naman ang kanyang paninindigan. Hahaha.
Pagkatapos nun, balik kaming Ayala para mamasyal. Enjoy-enjoy din. Maraming salamat nga pala kay Jude sa panlilibre ng macaroons. First time ko makakain ng pagkaing pang-mayaman na tulad nun. First time ko ding maging discerning (BIG WORD) food critic sa labas ng bahay!
Back to OJT, na-cancel ang interview dahil nagkaroon ng conflict sa schedule ng interviewee kaya chillax lang ako samantalang, tuloy pa rin ang commitments ng dalawang kasama ko. Binubuyo ko na nga na ipagpabukas na lang nila ang mga obligasyon nila (Lakas maka-B.I. Hahaha)
Hindi naman successful ang attempts ko na nagpapatunay na hindi talaga nananalo ang kasamaan (Agad-agad?! Haha) kaya naiwan akong mag-isa. Medyo Sad.
DAY TWENTY-THREE (May 6, Monday)
Wala mang OJT obligations ngayon, isasama ko na rin ang araw na ito na inilaan sa Flame dahil ito naman ang “trabaho” ko pagdating ng pasukan.
Hindi ko na pahahabain dahil may coverage pa mamaya pero naging masaya at makabuluhan ang araw na ito. Good luck sa future staffers!
P.S. Aasikasuhin ko talaga ung Memorandum of Agreement (MOA) ko ngayon pero nawalan na ng time. So next time na lang uli. Next time. Next time. Lagi na lang next time. Ganyan talaga pag tamad. Speaking of next time, wala pa pala akong journal. Oh well, next time na lang.
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ang haba na ng backlog ng posts ko at may kinalaman ang pamagat ng post kung bakit ngayon lang nilabas to. May dark secrets sa post na ito. Binabalaan ko na kayo. Hahaha.
DAY NINETEEN (APRIL 30, TUESDAY)
Maaga akong natulog kinagabihan dahil wala nga akong tulog nun. Grabe yung sakit ng ulo ko. Indescribable. O kung ide-describe ko man, parang dini-drill ung utak ko. Hindi talaga ako nag-schedule ng pagkakaabalahan ng araw na ito.
Pagkagising, bumangon agad ako at umalis ng bahay para bumili ng Manila Bulletin sa paniniwala’t pananalig na lalabas ang aking pangalan sa byline. No luck ako sa paghahanap. Para nga akong ewan na kinakabahan at nae-excite. Tinext ko pa si Mama na bumili ng dyaryo at hanapin yung storya sa U.P. Commencement Exercises. Sabi niya bibili siya. Ako naman nag-abang at umasa. UMASA.
Nagtext si ma at litrato lang ang lumabas. Araaay! Ang sakit! Sinabi ko naman sa sarili kong wag mag-expect na lalabas ang article ko pero sinabi kasi ng editor na baka maihabol niya para i-release kinabukasan dahil ako lang ang taga-MB na nakapag-cover. Siguro ung emphasis kasi nasa “baka”.
Medyo nakakasakit sa damdamin na ang hindi mo tinulugan, hindi rin pala lalabas. Wala na ako sa focus ng araw na yun. Nadi-discourage na rin ako. “Eto, Mark, di ka na-publish. Paano ka pa kaya matatapos sa OJT mo sa isang department na output ang basehan ng oras?”
Waaah.
DAY TWENTY (MAY 1, WEDNESDAY)
Walang pasok pero ang iba kong kaklase, nago-OJT. Ako naman, nasa bahay lang. Bum.
Ayun, nanood ng Iron Man 3 para maka-move on sa masakit na pangyayari kinahapunan. Medyo nakalimutan ko naman ang mapait na eksena dahil “bloody, freakin’ awesome” yung movie, tulad ng nilagay ko sa Twitter ko.
P.S. Nakamove-on na ng tuluyan ang manunulat sa nangyari. Alamin ang buong kwento sa susunod na post. Ang haba talaga ng back-log ko. Tsk tsk. Hahaha
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ang tagal ng in-the-making ng post na ito pero eto na siya. Dahil sa backlog ng OJT Blues entries, muli, hindi ko na i-italicize muna ang English terms. At dahil, isang patuloy na paglalahad ang mangyayari, hindi ko na ihihiwalay ang dalawang araw na ito. Sa mga nagtatanong, OO, nag-OJT ako ng Linggo. Walang holiday-holiday sa trabaho na to mga kaibigan.
So eto na nga. Ang mga jitters ko mula Huwebes ay hindi pa rin nawala. Sa pag-aalala ko, ung research ko ginawa ko the night before lang. Not good. Worse, hindi ko pa talaga alam kung paano didiskartehan ang pagpunta sa U.P. (Nasa kabilang dulo ako ng mapa). Mabuti na lang nandyan si Dad na kahit nasa Davao na ay kabisado pa rin ang Metro Manila (Yey!) at ang “Master ng Kyusi”, ang kaibigan kong si Jeff (Hi! Oo, may utang pa ko sa yo haha) kaya trouble-free ang pagbiyahe papunta at pabalik.
Hindi ko na masyadong ie-elaborate ang biyahe dahil mapupuno lang nun ang page na ito at since OJT ang dapat pag-usapan at pagnilayan, ikwe-kwento ko na lang ang coverage :).
Dahil maayos ang pagpapayo sa akin sa pagbiyahe, maaga akong nakarating sa U.P. (Mga 30-mins. early). Isa nga ako sa pinakaunang press dun (Achievement, naks!) at sa di sinasadyang pagkakataon, suot-suot ko ang porpol kong polo. Kapanalig talaga ako ng mga “Iskolar ng Bayan” ng araw na ito at bilang patunay, na-accommodate agad ako sa press area, binigyan ng snacks at ng press kit. Ok, so far, so good.
Nagsidatingan na ang ibang reporter (kasama si Bam Alegre ng GMA News) at inihanda ko na ang notebook, bolpen at ung recorder ko. Pressure is mounting kaya dapat handa. Habol ng pangalan ng mga guests sa graduation. Sulat. Habol. Sulat. Ang totoo niyan, after 10 minutes, sumuko na ako. Inasa ko na lang sa recorder ang karamihan (save the quotes na isinulat ko pa rin) dahil na-realize ko naman na di lahat ng pangalan dun importante at may mga kopya naman ng speeches sa press kit. Nag-relax lang ako ng konti. Kaunting-kaunti lang.
Kaso dumating ung time na tipong masyado na akong naku-kumportable sa sarili ko. Nag-speech ang guest speaker na si Sen. Edgardo Angara na ginawaran ng honorary doctor of law degree. Sa sobrang haba nito (mga 30 minutes?), muntik na muntik na akong makatulog. Buti na lang at may free food at naabala ko ang sarili ko.
Alas-siyete na ng gabi nang matapos ung event. Hahabol pa sana ako ng misa sa amin ng alas-otso (Bilang Linggo naman at walang trapik). Akala ko talaga aabot ako pero ang hirap sumakap. Lumakad pa ko ng malayo. Pagkatapos naman nun, ok na ang biyahe kaso mga 9:30 p.m. na ako nakauwi. Sorry Lord.
Hindi ko naman nagawa ung article agad pagkauwi. Pagod na pagod ako at gusto ko lang humiga pero hindi pwede. Kinabukasan na ako magigising at ung storya ko dapat magawa ASAP. Kumain muna ako at nagprocrastinate ng konti (May time pa talaga para gawin ko to? Haha) hanggang sa magkaroon ako ng motivation na gumawa (Mga almost midnight na ito). Kasabay ng lahat ng ito ay ang pag-iisip ng anggulong “iba”.
Seryosohan na. Inilabas ko ung speakers namin para mapakinggan ung recording ng maayos. Kinuha ang mga speeches na nasa press kit. Pinag-aralan ang mga sulat sa notebook. Bukas ng MS Word.
Ang weird pero may ugali talaga ako na sinasabi kong “Madali lang yan. Pag sinimulan ko ng 12 m.n., matatapos ko ng 1:30 a.m,” pero kapag moment-of-truth na, bigla akong napapaurong. Haay. Ang article na sinabi kong matatapos ko ng ala-una pasado, alas-diyes ng umaga ko na natapos.
Di ako natulog. Well, sort of. Nakaidlip ako sa sofa mula ala-una hanggang alas-kwatro. Medyo hindi pa nakakipag-cooperate ang braincells pero ayun, pinasa ko na ng 10 a.m. Para sa Tuesday paper na lang kung sakali. Makakatulog na rin ako.
Akala ko lang pala yun. Dahil mga 12, tumawag sa akin ang editor at nagtatanong ng mga detalye sa storya. Sinabi niya na generally OK naman daw ang gawa ko pero nakulangan daw siya. Sabi rin naman niya na ihahabol niya ang storya dahil ako lang ang taga MB na nakapag-cover ng event at sayang naman kung hindi mailalagay sa papel. Ang gawin ko lang daw, ihabol ko yung quotes na Tagalog (English kasi yung nasa printed copy at in Filipino ang sinabi ni U.P. Chancellor Ceasar Saloma) at baka mailagay pa sa front-page ang storya ko.
Naibigay ko naman after 15-minutes ang quotes pero hindi na uli ako makatulog dahil baka may tawag uli. Mahirap na. Pero ang totoo niyan, sobrang sakit na ng ulo ko at naiiyak na ako.
Dahil medyo nagpakamartir lang naman ako, napagdesisyunan kong hindi gumawa ng anumang lakad kinabukasan. Kailangan kong matulog.
Bum days ahead.
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Hindi naman masyadong halatang tinamad akong gumawa ng entry ng mga nakaraang araw. Aaminin ko, nakalatag na noong isang araw pa yung isusulat ko dito kaso gabing-gabi na ako nakakauwi at di ko na ito nau-update. Aaminin ko din na halos wala rin akong ginawa ng mga araw na ito kaya mas maganda na atang magkakasama sila sa iisang post para isang pasada na lang. Hindi na rin i-italicize ang mga English words dito dahil minamadali ko na to (may coverage pa ako bukas mamaya). Hahaha. Ready. Aim. Fire.
DAY FOURTEEN (April 24, Wednesday)
Dahil wala kaming magawa ng aking OJT buddy, pumunta kami sa Club Filipino para sa Fernandina Media Forum kahit na tapos na ang obligasyon namin doon. Namiss lang namin si Sir Wacqs. Hahahaha. Namiss ko din yung ibang kasama namin doon dahil medyo naging clingy na ako. Mahirap kapag naging close ka na sa mga taong nakasama mo at sa beat e, mahirap kumalas.
Bagama’t isang free day ito, hindi naman naging balewala ang aking pagbiyahe dahil may mga words of wisdom pa rin si Sir na noong una ay nagtaka kung bakit dumayo pa kami sa San Juan.
Mula noong Lunes, nakaramdam kami ng aking OJT buddy ng pagkadismaya dahil tila pinagpapasa-pasahan kami kung saan-saan at para kaming mga NPA (No Permanent Address) at noong nalaman ito ni Sir ay pinagaan niya ang aming naghihinakit (BIG WORD!) na kalooban.
Dito ko napagtanto na walang certainty ang mga bagay-bagay lalo na ngayong nasa test-run na kami para sa real world. Bawal choosy no. Magtiis ka dyan! Dapat mag-adjust, ilang beses man yan dahil hindi naman ang mundo ang siyang makikiangkop sa iyo. Masakit at mapait man, yan ang katotohanan. Matutong makibagay.
DAY FIFTEEN (April 25, Thursday)
Teka, ano nga ba ginawa ko ng araw na ito… (Buffer mode)
Ok, naalala ko na. Late na ko pumasok (Mga 1 p.m. ako nasa office) dahil 5 p.m. pa naman ang meeting namin kasama ang team ng Students and Campuses Section. Kung papansinin niyo, 4 hours early ang inyong lingkod. Ayan ay dahil sayang ang oras. Ano ba, pang-time card din yan no? #MedyoBadBoy
Ayun, finollow-up ang mga pinitch na stories (Eto yung mga stories na inisip ko pa nung Monday). Mukhang matutuloy ako sa aking book review kaso pinapasend ako ng sample na di ko pa nagagawa. Mukhang di ako makakausad sa beat na ito kasi hindi ako masulat ng feature. Bano ako doon. Medyo bobo ako sa pagpitch ng stories kasi ang hirap maghanap ng bago at interesting na mga bagay. Hindi ko pa naman ka-kalibre ang mga researcher ng Kapuso Mo, Jessica Soho na every week nakakahanda ng mga storyang patok sa tao. Meron dapat na ipapacover sa akin kinabukasan sa Shangri-La Hotel pero tinurn down ko muna. May lakad ako! Hahaha. Napunta tuloy sa akin ang coverage ng UP Commencement Exercises mamaya. Here’s the thing, kailangan mag doble-kayod dahil kung ico-cover ng lahat to. Pressure. Pressure. Nakakatawa nga na nakakatakot kasi sabi ng mentor ko na wag ako kabahan tapos after a few seconds, magsasabi na bawal akong ma-scoopan tapos tatawa siya. Status: It’s Complicated.
Pagkatapos ng nakakalitong pag-uusap, nagpaalam na ko dahil makikipagkita pa ako sa mga kaibigang matagal (halos isang buwan) ko nang di nakikita. Ayun, maraming kwentuhan. Napasubo rin ako sa panlilibre ng fries! Hahaha. Hi Mhaan, Aisha at Jess! :)
DAY SIXTEEN (April 26, Friday)
Free day again! Kung babalikan natin ang nakalagay sa itaas, nagbeg-off ako sa coverage para sa araw na ito dahil may lakad ako. Ang totoo niyan, may pakain ang isang kaklaseng nagbirthday the day before. Hi Richard!
Dahil sa pakain na ito, nakita ko yung iba ko pang mga kaklase. Medyo desperado na ko makakakita ng iba pang kaklase hahah. Shoutout kina Chin, Kris, Kath, Cess, Iza, Micah, Mhaan at Aisha!
Dahil medyo ayaw pa namin umuwi ni Richard, ikot muna kami sa SM Manila. Laro sa Quantum at nanood ng sine (Ung PhP25). Ung movie, pinagbibidahan ni Haji Won ng Secret Garden, at tungkol sa halimaw na nabuo sa langis. Weird! Hahaha. Ayos naman.
Pagdating ng gabi, balik ako sa UST para i-meet uli si Sir Wacqs para papirmahan ang mga OJT papers. May libreng inom at pulutan hahaha.
Kahit na informal ang setting namin, nanatili pa rin ang pagiging mentor ni Sir. Hindi man tungkol sa tamang pamamaraan ng pagsusulat, pinarangalan naman kami sa pasikot-sikot ng magiging propesyon namin. May konting segway pa sa lovelife at naikonek pa ito sa mga kinabukasan namin. Galing mo Sir! Hahaha.
Narealize ko sa kanyang mga sinabi na para makasurvive sa real world ay dapat ituring ito na parang girlfriend/boyfriend. Wala naman akong masyadong masasabi tungkol sa pagkakaroon ng lovelife dahil nonexistent naman yung akin (Napakasakit Kuya Eddie) pero dapat manatiling give-and-take ang relationship. Para maging successful, dapat maglaan ng oras. Dapat magsakripisyo. Kung wala ka nga namang isinuksok, wala ka talagang madudukot. Pero pinakamahalaga pa rin sa bawat relasyon ang tamang pakikipagkapwa. Dapat magaling kang mag-establish ng mga kaibigan at matuto dapat na makisama. Sabi nga nila, friendship ang pinakabasic sa mga relasyon. Once ok na ito, magiging higit na maayos ang buhay mo.
Okay. Kailangan ko nang matulog. Maaga pa ako sa UP bukas. Goodluck to me!
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ahh, nakapagpahinga din. Ang totoo niyan, hindi naman dapat kasama to sa OJT diary dahil hindi naman ako pumasok pero pake ba nila. #MedyoBadBoy
Pagkatapos ng ilang araw ng pagkangarag, pagkabagot at pagkabangag sa “trabaho”, napagbigyan na rin sa wakas ang pangarap ng bakasyon (sort of).
Naka-schedule kasi ngayon ang storycon ng Flame at bilang news editor sa darating na Academic Year ay kinailangan ng paghandaan at ilatag ang mga planong like-a-boss. Kanina din nagsimula ang screening para sa mga bagong manunulat. Sa katunayan, katabi ko ngayon ang mga envelop na dadasalan ko muna mamaya nang mapili ng mabuti. O Lord, grant me thy wisdom to choose wisely.
Pressure.
Hindi naman maipinta ang aking kasiyahan ng makita ko ang aking mga thesis mates na for the first time, in a very long time na hindi gagawa ng research. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita (Isang buwan mahigit na?) at ang sarap lang na magkwentuhan ng ilang oras na walang ibang iniisip (at least nung time na yun). Hi Chin at Ciel! :D
Salamat nga din pala kay Jeff na nanglibre ng siomai. Happy Birthday Sir!
That’s all for now. Mamaya uli! :)
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Kahapon ay opisyal na akong nakabalik sa “confines” ng opisina. Back-to-Office blues, pasok!
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Masaya naman ang pagbungad ng araw kahapon. Di maiaalis ang kaba at paninibago dahil ibang atmosphere na naman ito pero madali naman akong naging kumportable dahil madaling kasama ang mga co-trainees sa Tempo. At dahil late na dumating ang mga taong aayos ng dyaryo, nag-enjoy muna kami.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Kaso lang noong dumating na ang mga writers at editors ay biglang ngarag mode kami. Lahat kumikilos na kaso dahil sobrang dami naming interns, hindi rin lahat sa amin ay magkakaroon ng gagawin. Ang challenge talaga dito e yung magkukunwari kang may ginagawa ka para hindi naman nakakahiya.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Ok, sa wakas, matapos ang isang oras mahigit na tengga ay nautusan akong mag-encode ng i-editorial kinabukasan. Ayos lang. At least, may gagawin na ang aking mga kamay bukod sa gumuhit ng mga sasakyang magkakamukha. Sandali lang naman ay natapos din ang pinagagawa sa akin. Hindi naman kahabaan ung pina-type at kahit medyo matigas ung keys e medyo gamay ko naman na ang keyboard. Tengga uli.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Alas-dos na ng hapon, di pa kami naglu-lunch. Nahihiya kasi kami magpaalam na kumain. Kalaunan, naisip ko na sana tinanggal ko na yung hiya sa pagpapaalam (More on that later.)
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Mga alas-tres, ni-reassign kami ng aking OJT buddy sa Students and Campuses section ng MB. Tinanggap ko ung pansamantalang pagpapalipat sa amin (Dami talaga namin sa Tempo) pero nasa likod talaga ng utak ko e kung pwede muna sanang mag-lunch (Kalam na ang sikmura ko nyan).
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Na-meet na namin ang bagong hahawak sa amin. Mukhang mabait naman si Ma’am. Sa pamamaraang malumanay, sinabi niya sa amin ang gawain ng section na ito. Ipinaliwanag ang themes ng bawat labas (Lunes, Miyerkules, Huwebes, Sabado at Linggo) at nagpalista ng sampung topic na tingin namin ay angkop na mailathala.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Kinailangang umalis ng mas maaga ng aking OJT buddy kaya naman naiwan akong mag-isang nagbre-brainstorm na mga feasible na istorya for three hours! Latang-lata na utak ko. At di pa ko kumakain ng kahit ano hanggang sa mga oras na iyan. Ang lamig pa ng aircon sa kwarto na yun. Sobrang lamig.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Hirap maghanap ng inspirasyon sa mga storya. HIrap magpiga ng utak pag wala nang ipipiga. Lalong mahirap kapag nasa ilalim ka pa ng extreme conditions tulad ng extreme hunger at extreme coldness. Problema ko pa yung runny nose ko. Naku, konti na lang yata baka nagka-hypothermia na ako hahaha.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Natapos din ako mag-propose ng mga quarter-to-six. Walo lang ang topics na naisip ko. Mabuti na lang, mabait si Ma’am. Considerate. Nagbibigay pa nga ng tips para mas mapaganda pa ang ipu-pursue na article habang nanginginig na ako sa sobrang lamig.
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Pagkatapos ng tips-giving, pinauwi na niya ako agad. Nagpainit muna sa labas ng kwarto bago tuluyang umalis at dumiretso sa McDo. Kailangan ko na maglunch (Maga-alas siyete na nito)!
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Waah! Nakakastress. Meron nga palang patakaran sa bagong department. Ang sabi sa amin ay output-oriented sila at hindi time-oriented. Ibig sabihin, may mga araw na hindi kailangang pumasok. Sa katunayan, sa Thursday na daw uli ang balik namin para sa brainstorming. In short, mukhang mapapatagal pa nito OJT ko! Huhuhu
Unang araw ng pagbabalik-opisina. Pwede bang magpolice na lang uli?
Eastern Police Beat, I miss you :’(
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ang huling 2 araw sa field ang siyang ikukwento dito. Ayoko pang umalis pero pagdating ng Lunes ay nasa opisina na uli ako. At dahil medyo lax lang naman ako, balik-italics ang mga salitang Ingles. Ok ba? :)
Published na ang kuya mo. Nagulat na lang ako ng bumili ako ng Tempo kahapon at nakita ang aking pangalan sa tagline ng storyang tungkol sa nabiktima ng Dugo-Dugo gang sa Mandaluyong noong Lunes. Kahapon din ay napasama uli ang pangalan ng inyong lingkod sa storya naman ng sunog sa Pasig na makikita online.
DAY TEN (April 18, Thursday)
Umaga pa lamang at malinaw na ang agenda namin ng araw na ito, dapat naming sundan ang storya ng isang taxi driver na nabiktima ng robbery/hold-up sa Pasig. Dumiretso ang Team Wacqs (unofficial name ng grupo ng interns ni Sir Francis Wakefield haha) sa Pasig Police Headquarters para kumuha ng spot-report ng insidente. May nasulat na kaming storya noon na may pagkakatulad sa naturang insidente kaya medyo napadali ang pagtatanong sa pulis ukol sa iba pang mga detalye.
Para naman makatipid kami (Namumulubi na kami), napagdesisyunan namin na di muna pumunta sa net shop. Isusulat muna namin ang storya habang kumakain sa katapat na 7-11 kaso lang pagkatapos ng halos isang oras ay pinaalis din kami (May iba ng customers) kaya sa net shop din ang bagsak namin haha
Pagkatapos mag-type ng storya at magpakawili sa Facebook at Twitter ng sandali, umalis din kami papuntang Boni dahil kikitain kami ng mentor namin doon (Sinusandan niya noon ung storya sa nabiktima ng Dugo-Dugo gang noon). Pagkakain at pagkatapos lumibot ng kaunti sa Robinsons Pioneer (at hintayin si sir ng ilang minuto), diretso kami sa Mandaluyong Police. Ayun medyo tumambay. Kumain si sir ng bulalo, inalok kami na makisalo. Nakipagbonding sa mga co-interns. Masaya.
DAY ELEVEN (April 19, Friday)
Sa Eastern Police District (EPD) ang tuloy ng aming grupo kahapon. Nahuli kasi noong Miyerkules ang isa sa mga miyembro ng Buratong Group na nakilala sa mga shabu tiangge. Kasama namin sa coverage si Ian Cruz haha.
Bago pumirme sa net shop ay kumain muna kami sa carinderia (nagtitipid talaga kami). Ayos na ayos dahil bukod sa masarap at mura, nakakabusog pa. Solb! Medyo mahirap lang kumain kasi ang liit ng espasyo. Nagtatamaan mga braso namin hahaha pero ok lang.
Sinamantala na namin ang araw na ito para mag-ikot at mag-explore pa. Dalawa kasi sa amin (lima kaming interns) ang last day sa field kahapon huhu. Kain uli kami ng turon bago gawin ung storya tungkol sa press briefing.
Kumain uli kami pagkatapos mag-type ng storya sa net shop. Halo-halo naman! Bagay na bagay sa panahong tirik na tirik ang araw. Bonding time uli. Masaya.
Last day na. Nine days. Naging masaya ang dalawang linggo ng pagco-cover ng police beat. Sobrang saya kaya ang hirap pang umalis. Clingy lang? Hahaha. Pero totoo, kahit na nakakapagod maglakad sa ilalim ng init ng araw, magastos sa pagkain, pamasahe at pag-net shop ay marami naman akong natutunan. Iniisip ko noong Day One ng police beat kung kailan ito matatapos pero ngayong tapos na siya, tanong ko naman: Bakit sampung araw lang? Bitin! More! More! More! Pinag-uusapan nga namin ng kasama ko na mag-Forever-Nine-Days kami hanggang masimot ung 200 hours. Hahaha.
Gaah, senti moment. Sa pagtatapos ng halos kalahati ng aking internship, nais kong magpasalamat kay Sir Francis Wakefield sa pagtiytiyaga at pagpapasensya at sa occasional na panlilibre hahaha. Marami akong natutunan Sir hindi lang sa maayos na pagsusulat kundi paano mag-survive sa mundo ng pagsusulat (na siya naman talagang layon ng OJT program na ito). Bilib ako na sabay-sabay niyo kaming na-handle Sir. Salamat Sir! :)
Salamat din sa mga bagong nakilalang kaibigan. Dahil sa OJT, nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap at mas makilala ang mga taga-kabilang section. Hi Izzy, Aric at OJT buddy Dada. Nagkaroon din ako ng chance na makakilala ng taga ibang school. Hi Joan! Salamat sa bond na nabuo natin sa loob ng 10 araw. Salamat dahil naging kumportable ako sa presensya niyo. Hindi niyo lang alam kung gaano kahirap na mag-isa lang ako (na taga JRN2 bukod kay Joan). Medyo shy type pa naman ang inyong lingkod. Magkita-kita nga tayo uli pagkatapos nito. Hahaha. Dada, office na pala tayo sa Lunes.
So kinausap ko lang si Sir at yung mga kasama ko kahit di nila mababasa to. Hahaha. Pasensya na. Medyo na-carried away lang. Ang hilig ko lang talagang mag-senti. Sa Lunes, office work na at sana kasing-saya rin ng atmosphere sa loob yung sa labas (kahit na sobrang nabagot lang ako sa office nung first day). Think positive lang. :)
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Tatlong araw ang isusulat ko sa entry ngayon kaya hindi ko na masyadong ide-detalye. Nakakatamad. Hahaha. Hindi ko na rin i-italicize ang English words (at least sa post na ito). Highlights na lang, mga pogi’t magaganda.
DAY SEVEN (April 15, Monday)
Ginawa uli ang usual na pagcheck sa blotter. Walang maaksyong nangyari nung madaling araw saka nung Linggo kaya medyo nganga. Bago nga pala kami pumunta ng Pasig Police HQ ay mga 30 minutes din kaming naghintay ng jeep kaya lumalabas na mas matagal pa yung biyahe kaysa dun sa talagang ipinunta namin. Habang ang mentor namin ay nasa Southern Police District (SPD) para mag-cover sa bagong issuance ng mga bikes para sa kapulisan, diretso naman kami sa computer shop kung saan medyo tumambay lang kami.
May lakad ako sa UST ng 2 p.m. kaso mga ala-una na e nasa Pasig pa rin ako dahil nawili ako sa panonood ng videos sa YouTube (mga video na ilang beses ko na ring napanood sa bahay). Ayun, mabuti na lang at hindi masyadong ma-traffic at nakarating ako ng mga 2:30. Yey!
Natatangi ang araw na ito dahil nabigyan ako ng panibagong responsibilidad na DAPAT ko na talagang paghandaan at pangatawanan. Masyadong malaki para balewalain at dahil dun, napre-pressure ako ngayon pa lang.
DAY EIGHT (April 16, Tuesday)
Ah, talk about early morning action. Bukod sa usual na pagtingin sa blotter (na di rin masyadong malalaki ung report), may police briefing tungkol sa isang menor de edad na babaeng naglayas, nawala at narecover ng kapulisan after two weeks. Dagsaan ang mga reporter ng radyo at telebisyon. Dahil gumagawa pa yung mentor namin ng storya, kaming lima muna ang pinapunta sa briefing. Pagkatapos ng briefing at panandaliang interview ay kumuha naman kami ng spot reports sa office nila at tumungo na sa usual na net shop.
Ngarag mode. Di muna kami kumain ng lunch (Kinain muna namin ung tinapay at drinks compliments of Pasig Police) dahil madaming storya. Medyo mabilis ako natapos magsulat (sa akin napunta ung isang spot report) kaya nagsurf-surf lang muna ako. Noong chineck ung gawa ko, sinabi ng mentor namin na medyo mahina pa yung lead (gutom talaga to e hahaha). Ok naman na daw ung mga sumunod na paragraphs pero may ii-improve pa ung pambungad ko.
DAY NINE (April 17, Wednesday)
Tulad ng nakaraang linggo, diretso Club Filipino kami ngayon para sa Fernandina Media Forum na ginagawa tuwing Miyerkules. Kung last week tinalakay ang SC ruling sa mga party-lists at yung issues re. pharmacists, tinutukan naman ang issues ng Kabataan at Ating-Koop party-lists kahapon. Hindi tulad ng dati, maaga na kami ngayon at dahil dun, nakakain pa kami. Perks. Pagkatapos ng forum, pupunta pa dapat kami sa Eastern Police District para sa police reports pero napagdesisyunan na gawan na lang namin ng storya ung katatapos lang na forum.
Medyo milestone ulit na maituturing ang araw na to dahil unang beses kong magagamit ung tinanong ko para sa isang article (na sana i-publish). Noong mga nakaraan kasi e di naman nagagamit yung interview (na nire-record ko pa rin at hindi binubura hanggang sa ngayon) para sa storya. Ito din ang unang beses na isinulat/naka-draft sa pad paper ung storya ko (na hindi class seatwork). Kadalasan kasi e diretso MS Word na kaso medyo mahal sa net shop namin kanina. Share-share lang muna sa computer.
Sana lang ma-publish. Kung hindi ngayon, sana bukas. Please. Haha
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito.
Kumpara sa mga nakaraang araw, kakaibang kalayaan ang naramdaman ko ng araw na ito. Medyo nawala kasi kami sa routine at masaya akong nangyari yun. Araw-araw namang may iba (Wala namang dalawang eksaktong araw na magkatulad) pero may kakaibang twist talaga noong Biyernes. Pagkatapos kasi ng ginagawa naming pagpunta sa Pasig Police para tumingin sa blotter at magsulat mag-type sa computer shop ay dumayo kami sa Taguig para mag-cover sa Mind Museum (May Google Chat program si senatorial candidate Alan Peter Cayetano re. OFWs na dun ginagawa). Yipee!
First time ko sa Mind Museum at libre pa ha. Ibang-iba ang atmosphere dahil ilang araw na rin kaming nasa ilalim ng araw. Ngayon, aircon. Malamig! Wooh, ang sarap. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na malapitan si Cayetano para i-record ung mga sinasabi niya pero di naman ako nagtanong. Ang totoo niyan, ang bagal ko. Habang nagrerecord na ung iba, nahuli ako (ng mga 10 seconds lang naman) sa pag-record.
Pagkatapos ay may pakain sa Kabisera. Ang daming pagkain at puro masasarap pa pero habang kumakain kami, napansin kong ngarag pa ung ibang kasama namin (table ng press to) dahil hinahabol pa nila yung mga storya nila para sa 5 p.m. deadline.
Dito nila ibinahagi ang medyo masaklap na katotohanan ng pagiging peryodista. Uunahin mo ang storya mo kahit anong mangyari. Dapat nga daw ay matanggap na namin na darating ang panahon na aayawan mo muna kumain dahil hinahabol ng desk ang storya mo at hindi uusad ang dyaryo kapag wala ung storya mo.
Malaya man ako ng araw na ito, nararamdaman ko hudyat na ito ng pagkawala nito. Dahil kung gusto ko talagang magbunga ang pagiging peryodista, kailangan ng dagdag na pagsisikap, determinasyon at sakripisyo. Mas maigi kung matanggap ko na ito ngayon pa lang.
P.S. E di lalo na magiging nonexistent ang aking lablayp. Wala lang. Sinabi ko lang. Hahahaha.
Note: The following post is a chronicle of what’s happening during my On-The-Job Training (OJT) this summer. I’m a lazy writer and I’m only doing this because we were tasked to do a journal (to which these contents will be summarized) which will be submitted by the end of the OJT program.
DAY FOUR (April 10, Wednesday)
Clark Kent sa umaga. Superman sa gabi Bruce Wayne sa umaga, Batman sa gabi.
Ito ang araw ng epic kong pag-double time. Bukod sa OJT kahapon ay may interview din para sa Flame kaya medyo panic na naman ako. Hindi pa rin ako tuluyang kumportable sa OJT (noong umaga at least). Palagi kasing andun ang feeling na wala pa dapat ako doon pero nandoon na. Ewan, noong nagsabog ng inferiority complex si Lord e nasalo ko yata lahat. Hahaha. Idagdag pa ang kaba para sa interview na naka-sched ng 4 p.m. 3 p.m. So ayun, medyo nahirapan ang pusong i-juggle ang mga emosyon. #Madrama.
Ok, off-topic na. Back to OJT matters.
Medyo milestone ang araw na ito. Unang beses makapunta ng Club Filipino. Unang beses na makita si Bayan-Muna Rep. Neri Colmenares (at na-interview naman namin siya kahit papaano). Unang beses na magkaroon ng medyong intensive na kaalaman sa gamot (kasama din sa forum ang mga isyu na kinahaharap ng mga pharmacists). Unang beses na makapag-usap ng masinsinan sa mga OJT mates. Achievement unlocked na ba?
As usual, nandoon pa rin ang mga di-maiiwasang jitters. Nandoon pa rin ang kaba. Kailangan yatang paulit-ulit na ipaalala na ituring na ang sarili bilang reporter ng legit na publication (Tulad ng palaging sinasabi ng mentor namin). Hesitant pa nga ako na magtanong kay Colmenares dahil wala akong maisip na tanong (na hindi pa naitanong sa kanya sa forum). Siyempre, bilang legit reporters e dapat legit din ang tanong. Bawal ang tactless questions. Nakakahiya. Ayun, medyo nagpiga-piga din ng utak para magtanong ng wala pa sa forum. Hindi nga lang ako sure kung sensible nga bang maituturing ang aking tanong.
Marami rin akong nalaman sa gamot pero hindi ko na lang muna ilalagay dito. Top Secret, no? Biro lang.
Tuwang-tuwa naman ako sa araw na ito kasi nakapag-bonding kaming limang trainees. Sa halos dalawang oras na break ay nakapag-open up na kami sa isa’t-isa. Tatlo man sa kanila ang magkakaklase ay naging free-for-all naman ang kwentuhan. Isa ito sa mga highlights ng araw ko. Dahil sa napasarap na usapan ay napa-late ang pagsibat ko papuntang USTe. No regrets though :).
Tungkol naman sa Flame interview e mukhang ayos naman. Masaya din ang bonding time habang naghihintay ng turn.
Masaya ang araw na ‘to.
DAY FIVE (April 11, Thursday)
Pagod. Yan ang pinaka-general na masasabi ko sa mga naganap kanina. Biyahe pa lang, drained na dahil bukod sa distansya e kailangan ding makibaka laban sa trapik.
Nananatiling high point ang bonding time ng grupo. Napatagal ang lunch dahil sa masarap na namang kwentuhan. Ok to dahil nakaka-relax din kahit papaano ang utak kong pagal na sa pag-aalala.
Medyo rehash lang ng mga unang araw kanina. Ayun, punta sa Pasig Police. Basa sa blotter. Kuha ng storya. Puntang compshop para isulat ang storya. Send sa e-mail. Yun nga lang, di ako gumawa ng storya. Gaah, katamaran mo Mark! Bakit ba kasi baril ka lang ng baril sa mga gangster? Hahaha. Babawi ako bukas. Pramis na pramis.
Now for the tiring part. Traffic! TRAFFIC! Isang oras mahigit din ang biyahe mula Pasig pa-Shaw Blvd. Pagkatapos naman ng panandaliang discussion sa MRT-Shaw e punta naman kami ng Libingan ng mga Bayani para sa Sunset Ceremony (isang pagpupugay para sa mga beterano ng giyera), kung saan nakita ko ng personal si Chino Gaston ng GMA News at ang impersonator na si Jon Santos (na apo pala ng isang war veteran). Mga 7 p.m. na rin nung umalis kami.
Dahil naman sa isang matinding lapse of judgment ay namamaga na ata ang mga paa ko. Wala kasing jeep na masakyan sa Service Road kaya nilakad ko hanggang Merville. Huhuhu. On the bright side: Ilang pounds kaya nawala doon? Hahaha.
Ayun, bukas uli. Ipinangako kong matutulog ako ng maaga ngayon dahil pagod na pagod talaga ako.
Pampagana lang para bukas: “Life will get better if you choose it to be better.”- Ryan Higa